Ibinahagi ni Kapuso actress Klea Pineda ang kaniyang encounter sa isang estrangherong bata na nakilala niya sa isang beach sa La Union.

Sa Facebook post ni Klea nitong Lunes, Marso 25, makikita ang larawan nilang dalawa at sa caption naman ay ang daloy ng kanilang pag-uusap.

“May lumapit sa akin na batang babae kahapon habang nagpapa-araw ako sa beach! Nakita niya siguro mag-isa ako hahahaha 🤣” kuwento ni Klea. 

“Yen: Nagtatagalog ka po?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Me: Oo naman! Bakit?

Yen: Wala lang po. Parang di po kasi kayo nagtatagalog eh hehe ano po pangalan niyo?

Me: Klea, ikaw?

Yen: Ako po si Yen. Bakit po mag-isa lang kayo? Wala po kayo kasama dito sa La Union?

Me: meron, kasama ko family ko. Ikaw?

Yen: family ko din po. Tara ate swimming tayo para di ka mag-isa diyan!”

“So nagswimming kami sa beach! Feeling niya siguro malungkot ako dahil mag-isa lang ako at wala ako kausap kaya nilapitan niya ako,” aniya.

Dagdag pa ng aktres: “Madami pa kami napagkwentuhan actually! Kaya thank you, Yen! Sana makita mo 'to hehe natuwa talaga ako sayo sobra ❤️”

Nagpahabol pa si Klea na sana raw ay makita ni Yen ang picture nilang dalawa. Kaya naman, nang magkomento ang bata sa kaniyang post, masaya itong ibinalita ni Klea sa comment section.

“Omg ito na si Yen!!! Hello!!! Yhen Simbulan 🥺,” saad ni Klea.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 300k reactions at 2.2k shares ang naturang post ni Klea.