Usap-usapan ang X post ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda nitong Lunes ng gabi, Marso 25.

Mukhang may "inaasar" at pinatatamaan ang komedyante-TV host matapos i-share ang isang meme ng dalawang creatures na masasabing dalawang alien.

Sey ng isang unang alien, "Nanggigigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tyo! Daliiiiii!"

Tugon naman ng pangalawang alien, "Dating gawi 'Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!"

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Nilagyan naman ito ng caption ni Vice Ganda na "Bwak bwak bwak bwak!!!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1772209638605484467

Ang nabanggit na tawa ay ginamit na rin niya noon sa tila pang-aalaska sa showbiz columnist na bumibira sa kaniya.

Bagama't walang pinangalanan, tila gets naman ng netizens kung para kanino ang post na ito, batay sa kanilang mga komento.

"Kulang na kasi sa pansin ang dalawang matandang aso kaya nagpapapansin at nagpapaviral para maging sikat. Hahahah. Bwak bwak bwak bwak."

"Tama ka meme @vicegandako Di ko maintindahan. Napakanega. Ang dalawa naman parang uto-uto. Yes lang ng yes. .. At d, ko ma gets. Ba't galit cya sayo. Di mo siguro yan nabigyan. O baka threaten kasi sa GMA na kayo. Pano nalang mga favorites nya."

"Crispy Fata at R Lapid's Chicharon! (kunwari blind item!)"

"Yng Romel Chicka super gatong din mukha ng alalay ni bwak bwak bwak sunud sunuran sa kng ano ikokomento ni bwak bwak"

"Di ko din gets meme bakit ikaw ang ginagastasan for the clout... Di na ba kumikita ung youtube nya kaya ganun.. nakakaloka😤😤😤😤"

Matatandaang napag-usapan nina Cristy at Romel sa March 22 episode ng "Cristy Ferminute" ang tungkol sa paglipat ng Showtime sa GMA Network.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, binanatan si Vice Ganda sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA

Dito ay nasabi ni Cristy na siya mismo ay nakasaksi kung gaano "kayabang" si Vice Ganda noon pa mang nasa comedy bar ito at hindi pa sikat na sikat.

Sumang-ayon naman si Romel na nakasama ni Vice noon sa comedy bar. Mas pinili raw ng komedyante na maging magaling kaysa maging mabuti.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, mas pinili raw maging magaling kaysa maging mabuti

Nagbahagi pa ng ilang pansariling kuwento si Cristy na siya mismo ang nakasaksi kung paano kayabang si Vice Ganda, na tipong napikon sa mga biro niya ang ilang manonood sa comedy bar at hinamon itong bumaba ng stage.

Samantala, wala pang direktang tugo, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda tungkol sa mga birada sa kaniya ni Cristy.