Isiniwalat ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ang isa sa mga mahahalagang leksyong natutuhan niya sa buhay nang kapanayamin siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Marso 25.

Sa isang bahagi ng panayam, sinabi niyang hindi raw dapat siraan sa publiko ang isang taong nakaaway lalo na kung ito’y dati mong asawa.

“‘Wag mo siyang sisiraan o aawayin sa publiko kasi darating ‘yong time na ‘pag hindi ka na galit, baka dumating ‘yong time ‘yong anak mo na ang galit doon sa tatay nila,” lahad ni Ai Ai. 

“Hindi naman deserved no’ng tatay nila kasi iba naman ‘yong treatment no’ng tatay do’n sa mga anak kaysa trato niya sa ‘yo noong kayo pa,” aniya.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

“Hindi kasi niya kasalanan. And magsisisi ka, e. Kunwari ‘di ka na galit tapos ‘yong anak mo na ang galit tapos ayaw niyang i-acknowledge ‘yong father, hindi maganda, e. 

Pero in fairness daw sa mga anak ni Ai Ai dahil kahit nabubuwisit siya sa dating asawang si Miguel Vera, mahal na mahal pa rin ito ng kaniyang mga anak.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, ibinahagi naman ng Comedy Queen kung gaano siya kaswerte sa kasalukuyan niyang asawa.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, binubuhay ng asawa sa Amerika