Tampok sa latest vlog ni Unkabogable star Vice Ganda ang mga ganap nila ng kaniyang mga kapuwa “It’s Showtime” host sa nakaraang GMA contract signing kamakailan. 

Sa isang bahagi ng vlog, inusisa ni Vice Ganda ang kaniyang co-hosts tungkol sa kanilang naramdaman pagkatapos ng matagumpay na pagpirma nila ng kontrata sa naturang network.

“So, how do you guys feel? Anong pakiramdam?” tanong ni Vice Ganda.Sagot ni Vhong Navarro: “Speechless.”

Dahil dito, natawa tuloy ang ilan nilang kasama sa event. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“‘Yon na ‘yong pinaka-safe. Kaysa magkamali ka, sabihin mo na lang speechless,” hirit ng Unkabogable star.

Pero nang makabuo na rin nga mga salitang sasabihin, sinabi ni Vhong na hindi raw niya akalain na darating ang panahong magsasanib-pwersa ang ABS-CBN at Kapuso Network.

“Parang panaginip na totoo. Imagine-in mo, kung alam ko lang ‘yong alam mo [Vice Ganda], paano ako magtatrabaho? Kaya bilib ako sa ‘yo,” saad ni Vhong.

Dagdag pa niya: “Kasi na-handle mo na nagpapasaya ka pa rin ng tao sa kabila ng pinagdadaanan natin. Kaya sabi ko, buti na lang ‘di ka involved doon.”

“‘Di namin ikinukuwento sa kanila kasi madami siyang alon. Buti pang ‘di nila alam kasi mahirap mag-work. Para happy lang ‘yong team. Kaya noong nalaman nila, happy na ‘yong result,” pagsisiwalat ni Vice Ganda.

Anyway, magsisimula nang mapanood ang “It’s Showtime” sa GMA 7 sa darating na Abril 6 simula 12 ng tanghali hanggang 2:20 ng hapon.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!