Nagpaliwanag si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga "naartehan" at sumita sa kaniya sa pagiging prangkang pag-request na palitan ang ginagamit niyang mikropono habang nagtatalumpati, dahil mabaho raw ito at ayaw niyang magkaroon ng halitosis o mabahong hininga.

Batay sa video, matapos ang palakpakan ng audience ay may tinawag ang alkalde at pinapalitan ang mikropono.

"Poca, can I change the mic? There's bad breath here," aniya.

"Sorry, mabaho talaga 'yong mic. Sorry, I can't, ang baho, it's amoy maasim..."

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nang mapalitan na ang mic, sinabi ng mayor na ayaw niyang magkaroon ng halitosis.

"I don't wanna have halitosis, you know," natatawang sabi nito bago nagpatuloy sa kaniyang talumpati.

MAKI-BALITA: Mic pinapalitan, amoy-maasim! ‘Kaartehan’ daw ni Mayor Niña Jose, usap-usapan

Aniya sa kaniyang post sa opisyal na Facebook page, "Narito ang buong video ng aking speech noong nakaraang Flag Ceremony, which was maliciously edited by someone upang gawing katatawanan at siraan ang aking pagkatao. Dahil dito nais ko lamang sabihin ang mga sumusunod:

1. Ang microphone ay hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin bagkus ito ay naitago ng matagal kaya marahil nag-cause ng hindi magandang amoy. Hindi ko iyon nasabi to malign or magpahiya ng tao.

2. Kilala rin ako ng aking close friends at ng aking LGU family sa pagbibitaw ng mga weird statements. That time talagang hindi maganda ang amoy ng microphone. If ever I have to apologize, I will apologize to the microphone because nasabi kong mabaho na ito.

3. Sana kung sinuman ang nag-upload ng video na ito at ginamit upang kumita ng pera ay sana nakatulong ito sa iyo.

Alam nyo ba, minsan, iniisip ko 'yung kasabihang 'Let he who is without sin cast the first stone.' Sa panahon ngayon, madalas tayong mag-judge ng iba, pero nakalimutan natin minsan na wala tayong karapatang maghagis ng bato kung hindi natin kayang panindigan ang ating sariling kalinisan.

Kung tayo mismo ay may mga pagkakamali at hindi perpekto, paano natin masasabi na tama tayong manghusga ng iba? Dapat nating isaalang-alang ang ating sariling mga pagkukulang bago tayo manghusga ng kapwa. Sa gitna ng lahat ng mga pagsubok at hamon, sana ay maging gabay sa atin ang pangungusap na ito. Huwag tayong magmadali sa paghuhusga at palaging maging bukas ang ating puso at isipan sa pag-unawa sa kapwa.

In everything that is happening right now, I am offering all my sufferings to Christ, if it means the whole world turns their back on me for Him, I would gladly take up that cross.

Let's spread love and understanding instead of judgment and hate. #NoToJudgment #SpreadLove

Niña-aro ta cayon amin!" aniya.