Game na sinagot ng aktres na si Cristine Reyes ang mga tanong sa kaniya ni Luis Manzano sa "Luis Listens" kaugnay sa kung paano sila nahulog sa isa't isa ng kasalukuyang boyfriend na si hunk actor Marco Gumabao.

Tinanong ni Luis si Cristine kung kailan naramdaman ng aktres na umeeffort na sa kaniya si Marco at talagang sinusuyo na ang kaniyang puso.

Noong una raw ay hindi pa niya napapansin si Marco at parang "baby brother" pa ang tingin niya rito.

Sey ni Cristine, lagi raw nag-aaya ng workout si Marco.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"Lumipat siya sa Makati, ako sa Taguig. Lagi siya nagyayaya na mag-workout, ganiyan. So ako naman akala ko barkadahan lang 'yon kasi we were with Jake Cuenca pa no'n," ani Cristine.

Pagkatapos daw, nagpunta si Jake sa Cebu para sa taping ng nagtapos na action series na "The Iron Heart" na pinagbidahan ni Kapamilya star Richard Gutierrez. Dito na raw nasolo ni Marco si Cristine.

"So naiwan kaming dalawa ni Marco. Instead of ma-workout 'yong physical ano namin, na-workout 'yong feelings," aniya.

Limang taon daw pala ang age gap nila kaya patunay ito na love conquers all at wala itong pinipiling edad.

Noong Valentine's Day ay napaiyak si Cristine nang sorpresahin siya ni Marco matapos siyang bigyan ng bouquet of flowers.

MAKI-BALITA: Cristine Reyes naiyak sa pa-bulaklak ng jowang si Marco Gumabao

Sa isang panayam, sinabi ni Cristine na nagsimula ang dating stage nila ni Marco noong Enero 2023. Nagkasama na sila sa seryeng "Tubig at Langis" sa ABS-CBN, at ang katambal niya noon ay si Zanjoe Marudo na fiance na ngayon ni Ria Atayde.

MAKI-BALITA: Marco Gumabao, may inamin tungkol sa kanila ni Cristine Reyes

MAKI-BALITA: Cristine Reyes, annulled na; handa nang makasal kay Marco Gumabao?