Tig-tatlong pagyanig ang naitala ng Bulkang Kanlaon at Mt. Bulusan sa nakaraang 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang volcanic activity ay naitala simula 12:00 ng madaling araw ng Linggo hanggang 12:00 ng madaling araw ng Lunes.

National

Bagyong Julian, halos 'di kumikilos habang nasa PH Sea sa east Batanes -- PAGASA

Nagbuga rin ng 725 tonelada ng sulfur dioxide ang Bulkang Kanlaon nitong Marso 20.

Naobserbahan din ng Phivolcs ang pamamaga ng bulkan na palatandaan na patuloy pa rin ito sa pag-aalburoto.

Binalaan pa rin ng ahensya ang publiko na bawal pa ring pumasok sa ipinaiiral na 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng dalawang bulkan.

Posible pa ring magkaroon ng phreatic explosions ang dalawang bulkan anumang oras, babala pa ng Phivolcs.