Natanong ng GMA News na iniulat sa 24 Oras kung ano ang masasabi ni Kapuso star Carla Abellana sa inamin ng estranged husband at nagbabalik-Pilipinas at showbiz na si Tom Rodriguez na may bago nang nagpapatibok sa kaniyang puso, at pinipili niyang isapribado ito.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan, inamin ng aktor na may bago na siyang pag-ibig, ilang taon matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng estranged wife.

“In the context of romantic love, in the last two years. How did you know that you could still fall in love?” untag ni Boy.

Sagot ni Tom, "If you had asked me just a few years ago, Tito Boy, I would have a very different answer,” tugon ng aktor.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Pero like I said when I went through that healing process, that wasn't even in my mind but I do believe that love does find you when you are ready for it, and when it found me, I thought my doors would be closed forever. Hindi pala. Because I am experiencing it again now.”

Segunda pa ng King of Talk, "You didn't chase, nahanap ka ng pag-ibig?"

"Yeah, and it's something that I will treasure and cherish, and really do my best to protect..."

Kaya naman, pinipili raw ni Tom na gawing pribado ang relasyon niya ngayon, kaysa noon na talagang nakapubliko ito dahil nga pareho silang celebrity ni Carla.

"This time around, I wanna keep it for myself," aniya.

Sang-ayon naman si Boy na kahit public figure sila, ay kaya pa ring gawing pribado ang iba pang mga detalye sa buhay kagaya ng love life.

MAKI-BALITA: Gustong isapribado: Tom, aminadong may ipinalit na kay Carla

Kaya nang hingan ng reaksiyon si Carla, ito ang kuda niya: "I don't see the need to comment or to even react, parang it's not my concern anymore... aware naman [ako] na nakabalik na siya..."

Kung sakali naman daw na magkakasalubong sila sa hallway ng GMA Network dahil pareho silang Kapuso, wala rin naman daw magiging problema sa kaniya.

"Eh kung dahil sa trabaho, prepared naman ako, nasabi ko naman na 'yon, na kung magkrus ang landas namin whether sa studio, guesting or what, kung anuman 'yan, prepared naman ako for that pero, you know, just be myself, I'll let him be," ani Carla.