Sa Abril 1 na mapapanood sa GMA Prime ang comeback fantasy series ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na "My Guardian Alien" sa direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay.

Makakatambal ni Marian sa serye si Gabby Concepcion, na finally, natuloy na rin matapos mapurnada sa "First Yaya" kung saan original choice si Marian subalit pinalitan ni Sanya Lopez matapos mag-back out dahil hindi uubra sa kaniyang mag-lock-in taping dulot ng pandemya.

Sa naganap na media conference, inamin ni Marian na nahirapan siya sa taping dahil limang taon ang kaniyang pagpapahinga matapos makapanganak sa bunso nilang anak ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na si Sixto.

Nahirapan daw siya sa aspeto ng pagkakabisado ng mga linya, lighting, pagpihit sa tamang anggulo, at maging sa pagharap sa camera. Mabuti na lang daw at todo-alalay sa kaniya si Direk Zig at iba pang assistants sa set.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Isa pang bagay, buti na lang daw at alien ang karakter niya at may ilang eksenang hindi niya kailangang magbitaw ng linya at emote-emote lang. Kaya pasalamat din siya sa GMA na tinupad nito ang request niyang "huwag siyang pahirapan" sa comeback project niya.

Nang tanungin kung bakit ito ang napili niyang comeback series, sinabi ni Marian na nagustuhan niya ang script at kuwento, kaya napa-oo na rin siya. Gusto raw niya kasing maging proud sa kaniya ang mga anak niya kapag napanood niya ang mga proyekto niya. Ito na raw ang goal ngayon ng isang Momshie Marian. Parang ganito rin ang rason niya sa pagpayag na gawin ang pelikulang "Rewind" na kinikilala sa ngayon bilang "highest Filipino movie of all time" at natalbugan na nga ang "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Speaking of Rewind, natanong din siya kung nakakaramdam ba siya ng pressure dahil sa success ng nabanggit na pelikula. Mukhang wafakels na si Yan sa pressure at gusto na lang mag-enjoy sa mga ginagawa niya, at the same time, may maibibigay na aral at libang sa mga manonood na excited na sa muli niyang pagbabalik.