Naging sentro daw ng bashing si Kapuso star Bea Alonzo matapos nitong makipagbati sa jowa ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson na si Julia Barretto.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Marso 24, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na tila ibinabalik umano ng mga netizen kay Bea ang mga binitawang salita nito noon.

“Lagi kasi niyang nire-reiterate o idinidiin ‘yong salitang ‘ghosting.’ Siya ‘yong mayro’ng mga ipinautang na salita kay Julia at kay Gerald,” saad ni Cristy.

“Alam n’yo itong batang ito [Julia], kahit sinasabi nilang parang maldita prim and proper. [...] Alam niya kung ano ang kaniyang sasabihin o kailan niya sasabihin,” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Kaya naman, nang magkabati sina Bea at Julia sa ginanap na tribute party kay Mr. M kamakailan naglabasan ang hanash ng mga netizen at tila panig sila sa kasalukuyang jowa ni Gerald.

“Kasi tayo na rin ang nagsasabi at lahat ng tao, iba na ang social media. May mga naaalala. Mayroon silang mga binabalik-balikan para ibalik din sa pagmumukha no’ng nagsasalita ‘yong sinabi niya,” saad ni Cristy. 

Pero sa sapantaha naman ng co-host niyang si Romel Chika, baka naman nagbatian lang ang dalawa at hindi naman daw talaga nagkabati.

Anyway, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang inilalabas na pahayag sina Julia at Bea kaugnay sa naturang pangyayari.

MAKI-BALITA: Bati na? Bea at Julia, naispatang nag-beso at nagtsikahan