Mukhang hindi pa tapos ang "copyright infringement" issue ng tinaguriang "Queen of Bangsamoro Pop" na si Shaira Moro matapos namang masita ng mga netizen ang pagkakapareho ng isa niyang cover song sa kanta ng isang all-male Indonesian male band na "Papinka."

Ang nabanggit na cover song ay "Forever Single" na katunog daw sa kanta ng Indonesian band na "Masih Mencintainya" na naka-post sa ">YouTube channel ng AHS Productions noon pang Oktubre 29, 2023.

Ngunit may disclaimer naman ang AHS na ang kanta ay hango nga sa kanta ng Papinka.

"Disclaimer: The content presented here is a work of parody and should be viewed as such. This work is intended for entertainment purposes only and is not associated with the original creators or any entities affiliated with the original work," mababasa sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang sita ng mga netizen, ayos lang daw na i-cover ang kanta pero hindi para pagkakitaan ito, lalo't inupload din ito sa "Spotify."

Matatandaang nahaharap sa kritisismo si Shaira at ang AHS Productions dahil sa pagkakahawig ng "Selos" sa "Trouble is a Friend" ng Australian singer na si Lenka kaya naman inalis na ito sa lahat ng online streaming platforms gaya ng Spotify at YouTube.

Nakiusap naman si Shaira sa kaniyang fans at netizens na huwag nang batikusin pa si Lenka dahil sa ginawa nitong paninita sa kaniya.