Isang magnitude 6.9 na lindol ang yumanig sa Papua New Guinea nitong Linggo, Marso 24, ayon sa United States Geological Survey (USGS).

Sa tala ng USGS na inulat ng Agence France-Presse, nangyari ang lindol sa lokal na oras na 6:22 ng umaga nitong Linggo (2022 GMT Sabado).

Namataan daw ang epicenter nito 88 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Wewak sa East Sepik province, at may lalim itong 35 kilometro.

Wala pa naman umanong naiulat na pinsala o nasugatan dulot ng naturang lindol.

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon

Hindi rin naglabas ng tsunami threat ang Pacific Tsunami Warning Centre matapos ang nasabing pagyanig.

Karaniwan ang mga lindol sa Papua New Guinea dahil sa nasa ibabaw ito ng seismic "Ring of Fire,” isang arko ng intense tectonic activity na umaabot sa Southeast Asia at sa Pacific basin.