Marami raw nagtatanong kung totoo ba talagang hindi imbitado ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria sa ginanap na tribute party para sa dating chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny “Mr. M” Manahan.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Marso 23, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang paglilinaw umano ng nakausap niya.

“Ang daming nagtatanong kung totoo na disinvited si Jodi. Hindi totoo ‘yon. Nakakahiya kay Jodi. Dapat kasama siya sa previous dinner with sina Bea, Piolo, John Lloyd, ‘yon ngang kay Mr. M,” saad ni Ogie.

“Kaya lang nagka-Covid siya that night. We were together. So she had a prior commitment that same night when the organizers invited her. Mr. M would have wanted to see her,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Pero ayon naman daw sa nasagap na tsika ng co-host ni Ogie na si Mama Loi, matagal na raw na-oganize ang naturang event. Matagal na rin daw naipadala ang mga imbitasyon.

“Pinagsabihan lang ang lahat na ilihim lang kay Mr. M. E, mayro’n na raw napagawang damit si Jodi. Prepared na raw ‘yong damit niya for the event,” wika ni Mama Loi.

Anyway, ayon kay Ogie, kung anoman daw ang totoo sa mga nagsusulputang tsika, ang mahalaga ay naiulat na raw niya ang sinabi ng nakausap niya para depensahan si Jodi.

MAKI-BALITA: Claudine, mas pinaboran daw sa party ni Mr. M kaysa kay Jodi