Hindi nagustuhan ni showbiz insider Jobert Sucaldito ang inasta ni Kapuso actor Rayver Cruz sa livestream nito kamakailan sa social media kasama ang jowang si Julie Anne San Jose.

Sa latest episode ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” nitong Sabado, Marso 23, pinagsabihan ni Jobert si Rayver.

“Ingat, anak. Don’t do it again. Be very careful. Especially dealing with girls, with ladies. At saka, anak, ‘pag wala ka sa tamang mood don’t go livestream. Pag-isipan mo munang mabuti,” saad ni Jobert.

Pero sabi naman ng co-host niyang si Chaps Manansala: “Mukha ngang nasa mood, e.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sumobra, e,” tugon naman ni Jobert, “playful. Tayo nakikita natin pagiging playful. Pero overboard na hindi naging magandang tingnan para sa isang Rayver Cruz.”

Matatandaang naging sentro ng bashing si Rayver dahil tila bangag daw siya at sabog habang nakasalang sa livestreaming.

MAKI-BALITA: Rayver kinuyog dahil sa ‘kakulitan’ sa livestream kasama si Julie Anne

Pero ipinagtanggol naman siya ni Julie. Humingi rin ng tawad si Rayver sa nangyari. Nangako pa nga siyang forever na mamahalin ang kaniyang jowa.

MAKI-BALITA: ‘Sabog, bangag?’ Julie Anne umalma sa below the belt na batikos kay Rayver

MAKI-BALITA: Rayver nag-sorry dahil kay Julie Anne, nangakong mamahalin forever