May bagong kuwento na lumutang tungkol sa mag-inang Divine Geronimo at Sarah Geronimo matapos ang serye ng mga ulat na nagkabati na umano ang dalawa.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Marso 23, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang balita tungkol sa mag-ina. 

“Nakarating pa sa akin ang balita na every weekend ay doon natutuloy si Sarah sa mommy niya. Na pinapayagan ni Matteo [Guidicelli],” lahad ni Ogie.

“Nakakatuwa kung totoo ‘yong nakarating sa atin, ha. Minsan pa na last year daw ‘ata e parang nag-abroad pa si Mommy Divine at si Sarah,” aniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Dagdag pa niya: “Ang sabi sa akin nag-Europe. Tapos nag-Japan din sila this January yata. At ang taray walang mga pictures ‘no?”

Sey tuloy ng co-host ni Ogie na si Mama Loi: “Oo nga, e. ‘Yon nga ‘yong itatanong ko sa ‘yo, e. Ba’t wala man lang nakakuha ng picture kahit isa?”

“Oo nga. Kaya nga itatanong na rin natin sa kanila kung nag-travel sila together,” saad ng showbiz insider.

Bagama’t wala pang pahayag na inilalabas si Sarah para kumpirmahin o pabulaanan ang mga balitang ito, matatandaang buong-puso niyang pinasalamatan si Mommy Divine sa ginanap na Billboard Women in Music 2024 noong Marso 7.

MAKI-BALITA: Sarah Geronimo, pinasalamatan ang ina sa Billboard Women in Music

MAKI-BALITA: Sarah Geronimo, Mommy Divine nagkabati na raw?