Diretsahan at prangkang sinagot ng "Can't Buy Me Love" actor na si Albie Casiño ang tanong kung nagsadya ba siya sa lamay ng pumanaw na batikang aktres na si Jaclyn Jose bago ito inihatid sa huling hantungan.

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan nina Jaclyn at Albie noon nang mabunyag na buntis si Andi Eigenmann, at siya ang itinurong ama. Na eventually mali naman pala dahil si Kapamilya actor Jake Ejercito pala ang totoong tatay ng panganay ni Andi na si Ellie.

Dahil sa isyu, "nasira" ang pangalan ni Albie na bini-build up sana bilang katambal ni Kathryn Bernardo, na nagsimula sa remake nila ng "Mara Clara."

"Unang-una, I just wanna say rest in peace Ms. Jane saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kaniya. Pero hindi naman ako apektado," ani Albie sa naganap na media conference ng "Kasalo," na mapapanood sa Vivamax sa darating na Marso 26.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sey pa ni Albie, although wala namang nagsabi sa kaniya, palagay raw niya ay hindi naman welcome ang presensya niya sa burol kaya minabuti niyang huwag na lang pumunta.

“I don’t think my presence would be welcome there, so bakit ako makikiramay, 'di ba?” aniya.

Anyway, wala namang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Andi o ng mga kaanak ni Jaclyn kung tama ba ang feeling ni Albie na hindi siya welcome sa lamay ang aktres.