Walang nadamay na Pinoy sa naganap na pag-atake sa concert hall sa Moscow, Russia nitong Marso 22.

Ito ang paglilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, batay na rin sa ulat ng Philippine Embassy sa Moscow.

Kinondena rin ng Pilipinas ang insidente.

“The Philippines strongly condemns the heinous attack at the Crocus Hall in Moscow on 22 March 2024, which resulted in the loss of innocent lives, caused injuries to several people, and significantly damaged properties. We extend our deepest condolences to the bereaved families and wish the injured people speedy recovery," ayon sa pahayag ng DFA.

National

Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Dahil sa insidente, pinag-iingat na ng Embahada ng Pilipinas ang Filipino community sa Moscow.

Nauna nang naiulat ng Russian investigators na nasa 60 na ang nasawi at mahigit sa 100 ang nasugatan matapos paulanan ng bala ng grupo ng kalalakihang naka-camouflage ang Crocus City Hall kung saan idinadaos ang concert nitong Biyernes ng gabi.