Kinabahan at nag-alala ang madlang netizens sa buwis-buhay na pagmomotorsiklo ng “It’s Showrtime” host na si Ion Perez.

Sa kaniya kasing latest Instagram post noong Huwebes, Marso 21, makikita ang mga kuhang larawan ni Ion habang sakay sa motor.

“My ride. My life,” saad pa niya sa caption ng post.

Pinagsabihan tuloy si Ion ng mga netizen sa comment section. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Naku Ion nerbyos na naman Misis mo nyan😯”

“Ingat ka palagi Noy 🙏🧡”

“Nerbiyos nanaman c meme 😍 ingat ka Ion Isa Lang ang ating buhay 🌈❤️🧡Godbless you always 🙏🙏🙏”

“Ion ingat ka plgi sa pagmomotor mo gabayaan ka lagi ni lord nakakatakot ang gingawa mo nerbiyos si meme sa gingawa mo ky pray ka lagi ha hindi ka pababayaan ni lord god bless u always”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang reaksiyon ang jowa niyang si Vice Ganda tungkol sa kaniyang pagmomotorsiklo.

Pero for sure ay nag-iingat naman si Ion. ‘Di ba nga nangako pa sila sa isa’t isa na sasagarin ang kanilang pagmamahalan hanggang 2090?

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Ion Perez sasagarin pagmamahalan hanggang 2090