Nagpahayag ng willingness na makatrabaho ni “It’s Showtime” host Vhong Navarro ang comedy genius na si Michael V. o mas kilala rin bilang “Bitoy.”

Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Marso 22, sinabi ni Vhong ang dahilan kung bakit bet niyang makatrabaho si Bitoy.

“Sa mga kuwento ni Kuya Ogie [Alcasid] parang kapag nakasama ko siya, bukod sa tawanan, marami akong matututunan sa kanya. Kasi ang Michael V. ay isa sa mga haligi sa komedya na gusto ko siya makatrabaho,” saad ni Vhong.

Excited naman si Vhong para sa nalalapit na pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA Network sa darating na Abril.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Alam mo sobrang excited na ako na mag-April 6 kasi 'yung pagtanggap n'yo sa amin sobrang alam mong napakatotoo, talagang welcome na welcome kami,” aniya.

Dagdag pa ng host: “Kaya naman gusto naming ibalik 'yun nang doble 'yung saya na ipapakita namin sa ating Madlang Kapuso para ibalik 'yung mainit na pagtanggap n'yo sa amin.”

Matatandaang mapapanood na sa GMA 7 ang “It’s Showtime” matapos pumirma ng ABS-CBN ng kontrata sa naturang TV network noong Miyerkules, Marso 20.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!