Inurirat daw ng tanong ang showbiz insider na si Ogie Diaz kaugnay sa bali-balitang lilipat na umano si Kapuso star Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.

Kaya sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Marso 21, iniulat niya ang kaniyang nasagap na impormasyon tungkol sa naturang balita.

“Parang hindi naman yata. Kasi parang may recording lang under Star Music itong si Jennylyn kaya syempre bumibisita doon sa Star Music department ng ABS-CBN,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya: “Ang sabi do’n sa mga comment section ay mananatili pa rin Kapuso si Jennylyn Mercado.”

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

“E, rinig ko naman dyan kaya umalingasngas ‘yang ingay na lilipat na si Jennylyn sa ABS-CBN kasi hindi pa raw siya pumipirma ng kontrata sa GMA,” segunda naman ng co-host niyang si Tita Jegs.

Pero ayon sa isa pa nilang co-host na si Dyosa Pockoh: “Ang dinig ko din naman, Tito Ogie, kaya daw lilipat dahil flop daw ‘yong teleserye nila ni Xian Lim na ‘Love, Die, Repeat.’”

MAKI-BALITA: Movie ng DongYan, serye nina Jennylyn at Xian pareho ng konsepto

Gayunpaman, hindi pa rin makumpirma ni Ogie ang balitang ito. Sa ngayon, ayon sa showbiz insider, abangan na lang daw muna ng madla ang pahayag ni Jennylyn tungkol dito.