Ipinabatid ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Marso 22, na patuloy na nakararanas ng “flu-like symptoms” sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi rin ng PCO na sa kabila ng pagkaranas ng First Couple ng naturang mga sintomas, may “notable improvements” na raw sa kanilang kondisyon.

“Their vital signs remain stable, and they remain in a comfortable state. Both have received advice to continue their prescribed medications, ensure adequate fluid intake, and prioritize rest,” anang PCO.

“The medical team will closely monitor their progress until they fully recover,” dagdag nito.

National

PBBM at FL Liza, pinagpapahinga matapos magkaroon ng 'flu-like symptoms'

Nagpasalamat naman ang opisina ng pangulo sa lahat ng nagdasal para kina PBBM at FL Liza.

“We appreciate the public's concern and well wishes. Further updates will be provided as necessary,” saad ng PCO.

Matatandaang noong Miyerkules ng gabi, Marso 20, nang ianunsyo ng PCO na nagkaroon ng “flu-like symptoms” ang First Couple matapos ang kanilang “full schedule” noong mga nakaraang araw.