Pinalagan ni “Eat Bulaga” host Maine Mendoza ang isang quote card na pinakalat ng isang Facebook account.

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Marso 21, pinabulaanan ni Maine ang naturang quote card at pinaalalahan ang publiko na huwag agad maniniwala sa mga nababasa online.

“Uy, hindi ko po ito sinabi ha. Wag agad maniwala sa mga nababasa online,” aniya.

Nakasaad kasi sa quote card: “"Girls, tandaan niyo na it's not about finding the right man. It's becoming the right man for you. Kapag hindi nagbago kahit sinabihan mo na. Iwan mo na." 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Hala, late ko na po nabasa na di ikaw nagsabi. Nagawa ko na ih “

“Grabeeee ipapahamak ka pa, Maine! 🤣🤣🤣”

“Ang galing mo talaga menggay 😂”

“Gusto nila umingay pangalan mo lods😅.. tahimik daw po kasi🤣 kaya gumagawa ng eksena para sayo po😅😅”

“Report niyo po yung mga account na ginagawan kayo ng issue”

“dami kasi nagkakalat na ganyan . yung Pages na ganyan ,parang mga nakakaloko eh .”

“Hahaha! Mga tao nga naman. Ang galing gumawa ng mema! 😅”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, deleted na ang naturang quote card at hindi na mababasa pa.