Tinatayang nasa ₱49.5 milyong jackpot ang tatamaan sa Ultra Lotto 6/58 draw ngayong Biyernes, dakong 9:00 ng gabi.

Binanggit ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), kung walang mananalo ngayong gabi, madadagdagan na naman ang premyo sa susunod na draw nito.

Huling napanalunan ang Ultra Lotto nitong Pebrero 29 kung saan aabot sa ₱175.1 milyon ang naiuwi ng isang mananaya na taga-Pasig City

Nahulaan nito ang 6-digit winning combination na 04-07-57-05-54-47, ayon pa sa PCSO.

National

Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 kada Martes, Biyernes at Linggo.