Mas pinaboran daw ng mga organizer ng tribute party para sa kaarawan ng dating chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny “Mr. M” Manahan si Claudine Barretto kaysa sa kapuwa aktres nitong si Jodi Sta. Maria.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Miyerkules, Marso 20, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang dahilan kung bakit hindi umano pinaboran si Jodi ng organizer.

“Noong nasa ABS-CBN pa ako, ang laging pinag-uusapan do’n, ang pinakamahal ni Mr. M sa lahat ng mga talent ng Star Magic ay si Claudine Barretto, si Piolo Pascual, at si Patrick Garcia,” lahad ni Cristy.

“May politika naman sa lahat ng aspeto ng buhay. At alam naman po natin na si Claudine Barretto syempre pa ay mas [pinaboran] noong mga nagbuo at nagbalangkas no’ng party para kay Mr. M,” aniya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Dagdag pa ng showbiz columnist: “At alam naman natin na kahit Star Magic talent itong si Jodi Sta. Maria, sa pilian between the two syempre kay Claudine sila.”

Sey tuloy ng co-host niyang si Romel Chika: “Ayun! Kaya pala totoo ‘yong mas pinaboran si Ms. Claudine kaysa kay Jodi Sta. Maria ng mga organizer para maiwasan ang komosyon.”

Matatandaang sa isang panayam noong Nobyembre 2023 ay tila pinasaringan ni Claudine si Jodi nang sabihin nito na hindi umano magandang impluwensiya sa kaniyang estranged husband na si Raymart Santiago ang kasalukuyang partner nito. 

MAKI-BALITA: Tribute party kay Mr. M, star-studded; Sparkle artists, invited ba?