Dahil tuluyan na ngang mapapanood ang noontime show na “It’s Showtime” sa GMA Network, isa si Manay Lolit Solis sa mga natuwa sa pangyayaring ito. Kaya naman ‘wag na raw magtaka kung makikita si Coco Martin sa GMA kasama si Ruru Madrid.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Salve talagang iba pa rin ang excitement sa pagsanib puwersa ng GMA at ABS-CBN dahil sa pagpasok ng Showtime sa 7. Hindi mo aakalain mangyayari ito sa taong 2024 na very eventful dahil nawala ang network war,” ani Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Marso 21.

“Mukhang magkakaroon ng big splash ang taon dahil umpisa pa lang exciting na. Imagine mo nakapasok sa GMA grounds ang mga taga Showtime. Parang hindi mo ma-imagine na mangyayari pero nangyari,” dagdag pa niya.

Nabanggit din ng talent manager na huwag na raw magtaka kung sa susunod ay makikitang magkasama na sina Coco Marin at Ruru Madrid.

“Kaya naman huwag ka nang magtaka kung ang susunod si Coco Martin na ang makita mo sa GMA kasama ni Ruru Madrid, ang Black Rider sa Batang Quiapo. Hindi malayo 'di ba at puwede mangyari, why not ? Bongga,” sey pa ni Lolit.

Ikaw, ka-Balita, anong sey mo rito?