Libreng ibinigay ni Abegail Rait kay Boss Toyo ang mga larawang kinunan ni Master Rapper Francis Magalona, na kaniya umano’y ex-lover.

Sa panibagong episode ng Pinoy Pawnstars, dala-dala nilang mag-ina ang anim na larawan na kinunan mismo umano ni Francis M. nang nabubuhay pa ito.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Paliwanag ni Abegail, miyembro raw ng Camera Club of the Philippines si Kiko kaya raw mahilig ito sa photography.

Kinunan daw ang ilang larawan sa Vietnam, Pampanga, at Cebu habang magkasama sina Abegail at Francis M.

Agad nagtanong si Boss Toyo kung magkano ang mga naturang larawan.

Prinesyuhan naman ito ni Abegail ng P600,000 ang anim na larawan, na lumalabas P100,000 ang isa.

Pero agad ding binawi ito ni Abegail at sinabing ibibigay niya lamang ito kay Boss Toyo bilang appreciation.

“Take or leave it,” hamon pa ni Abegail kay Boss Toyo. “Joke lang. Hindi ko siya binebenta.”

“Ano ‘to ipapakita mo lang dito, iyayabang mo lang? Mayabang din ‘to eh ‘no. Ano iinggitin mo lang kami?” hirit naman ni Boss Toyo.

“So joke lang ‘yon. Gusto ko talagang ibigay ‘to sa inyo as a token of appreciation,” sambit ng ex-lover ni Kiko.

“Talaga? Totoo? Hindi ko tatanggihan, deal agad. Hindi nga?” sey naman ni Boss Toyo na hindi pa rin makapaniwala.

“Gusto kasi namin i-share sa pamamagitan mo ulit itong memorabilia na ito. And siyempre looking forward pa rin ako sa tinatayo mong museum. So, to commemorate,” paliwanag ni Abegail.

Sa huli kahit na hindi makapaniwala, buong puso itong tinanggap ni Boss Toyo.

Matatandaang nakilala sina Abegail at Gaile Francesca nang lumantad sila sa publiko bilang ex-lover at anak ni Kiko.

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?