Tinatayang umaabot sa ₱67 milyong jackpot ang posibleng mapanalunan sa 6/49 Super Lotto draw ngayong Huwebes ng gabi.

Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nadagdagan ang ₱62,599,859.00 jackpot nang hindi tamaan nitong Marso 19.

Hindi nahulaan sa naturang draw ang winning combination na 42-44-09-07-16-49.

Sinabi ng PCSO, huling napanalunan ang jackpot na ₱640.6 milyon nitong Enero 16. Nabili ng nasabing mananaya ang winning ticket sa Rizal Avenue lotto outlet sa Maynila.

National

DOJ, nais ibalik si Alice Guo sa kustodiya ng PNP

Ang Super Lotto ay binobola kada Martes, Huwebes, at Linggo.