Dahil paborito raw ng anak ni Rosmar Tan si “Jollibee,” naisipan daw ng kaniyang asawang si Nathan Harisson na regaluhan ito ng mismong estatwa ni Jollibee!

Sa TikTok account ni Rosmar, ibinahagi niya na sobrang idol daw ng anak niyang si Natnat si Jollibee. Napapasigaw daw ang anak sa tuwing may madaraanan na Jollibee store.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

“Ayun nga sobrang hilig sa Jollibee, at ‘yung kaniyang daddy hindi siya matiis kapag nakikitang nakatanaw kay Jollibee. May surprise raw siya kay Natnat,” ani Rosmar.

Nang makita ni Natnat ang estatwa ni Jollibee, agad itong tumakbo palapit. Tuwang tuwa naman ang bata sa kaniyang regalo.

Umani ng reaksyon mula sa netizens ang naturang regalo ni Natnat.

“JOLLIBEE NATNAT BRANCH NAMAN PO 😂”

“napaka swerte naman ni natnat🥰🥰”

“bat nyo Naman po inuwi SI Jollibee😭”

“inuwi ba naman si Jollibee 😂😅”

“ayyiiehh saya ni ate natnat 🥰”

“so cute natnat🥰🥰