Miss na miss na raw ng aktor na si Gardo Versoza ang yumaong aktres at kaibigang si Jaclyn Jose, ayon sa kaniyang Instagram post niya para sa kaniya.

Marso 2 nang pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso, habang nag-iisa siya sa kanilang bahay sa Quezon City. Pormal na inilabas sa publiko ang pagpanaw niya sa pamamagitan ni Andi Eigenmann, panganay na anak, sa pamamagitan ng media conference.

Isa sa mga talagang naapektuhan at nagluksa ay si Gardo na nakasama ni Jaclyn sa isa't ibang proyekto, lalo na sa teleserye.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya sey ni Gardo, okay lang sa kaniya kung dadalawin siya ni Jaclyn.

"I'm sure alam mo na ang mga kaganapan abe ,, at katawa tawa di ba ,, pang cannes ang mga performances ✌️🤪😂👏👏👏😂 miss kita abe ,, pag pinayagan ka ni ama dalaw ka lang sa akin anytime ,, dami kong blind items sa iyo hehehe labyu abe musta sa mga nanay natin im sure sarap ng kwentuhan nyo dyan mishu 🙏🧁❤️😍😘 @jaclynjose," aniya.

Samantala, sa mga nakaka-miss kay Jaclyn ay pinapanood na lamang ito sa "FPJ's Batang Quiapo" dahil buhay na buhay pa rin siya dito bilang si Chief Espinas.

Ito ang mga huling sandali ng kaniyang buhay at nakapag-taping pa.