Sumalang sa "Fast Talk with Boy Abunda" ang nagbabalik sa limelight na si Tom Rodriguez matapos ang showbiz hiatus matapos ang naging hiwalayan nila ng estranged wife na si Carla Abellana.

Nanirahan muna si Tom sa US matapos ang kontrobersiyal na break-up nila ni Carla noong 2022.

Isa raw iyon sa madilim na bahagi ng kaniyang buhay dahil pakiramdam niya, "negative" ang naging impact sa kaniya ng mga nangyari. Kaya naman, malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang pamilya at mga kaibigan para unti-unting makabangon.

“You realize, in that lowest moment, you have a lot to be grateful pa rin pala, Tito Boy. You have a lot to be thankful for," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“If we can go through the darkest moment in our lives, and find that inner strength and that resilience, at mahanap mo 'yong lakas sa loob-loob mo na bumangon pa rin, I think that's something to be proud of," dagdag pa niya.

Nasabi at inamin din niyang may bagong nagpapatibok na sa kaniyang puso subalit pinipili na niyang isapribado ito.

Sa huli, nang tanungin siya ni Boy kung ano ang dasal niya kay Carla, sinabi ni Tom na hangad niya ang happiness nito.

“I really wish her well. Every one of us deserves happiness and I truly wish that for her," tugon ni Tom.

Samantala, wala pang tugon o sey si Carla sa naging panayam ni Boy sa estranged husband.