Nagbigay ng latest update si showbiz insider Rose Garcia tungkol sa relasyon nina celebrity couple Catriona Gray at Sam Milby.

Sa latest episode ng “Marites University” nitong Lunes, Marso 17, inispluk niya ang nasagap na balita tungkol sa dalawa.

“Galing ‘to sa isang sobrang reliable source na nakaalam. Just few days ago, spotted si Catriona Gray saka si Sam Milby dito sa isa sa mga poise restaurant or steak house sa Araneta City. Tapos kasama rin nila ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli,” lahad ni Rose.

“Pero anong pinapakita nito? Na sa kabila ng balita na naghiwalay na, break na, hindi na okay, may something, it only goes to show na okay pa rin talaga si Sam at saka si Catriona,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa ng showbiz insider: “And from a source, kung anoman daw ang hindi nila napagkasunduan, o kung anoman ang naging problema nila—kasi alam natin engaged na ‘yan, e, ‘di ba—naaayos na raw. So ‘yon ang itsinika namin.”

Matatandaang noong nakaraang buwan ay naglabas ang talent management agency nina Sam at Catriona tungkol sa break-up issue nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Cornerstone Management, nagsalita na sa isyu ng Catriona-Sam break-up

Nagsimulang umugong ang balita na hiwalay na umano sila nang mapansin ng mga netizen na may mga pagkakataon daw na hindi suot ng beauty queen ang kaniyang engagement ring.

Lalo pang lumakas ang kanilang kutob nang talakayin sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz ang nasabing balita nang bulungan siya ng kaniyang source tungkol sa real score ng dalawang engaged couple.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw