Inamin ni Kapuso actor Tom Rodriguez na hindi sarado ang puso niya sa bagong pag-ibig at nararanasan niya ulit ito sa ngayon.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda," inamin ng aktor na may bago na siyang pag-ibig, ilang taon matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan ng misis niyang si Kapuso actress Carla Abellana.

“In the context of romantic love, in the last two years. How did you know that you could still fall in love?” untag ni Boy.

Sagot ni Tom, "If you had asked me just a few years ago, Tito Boy, I would have a very different answer,” tugon ng aktor.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Pero like I said when I went through that healing process, that wasn't even in my mind but I do believe that love does find you when you are ready for it, and when it found me, I thought my doors would be closed forever. Hindi pala. Because I am experiencing it again now.”

Segunda pa ng King of Talk, "You didn't chase, nahanap ka ng pag-ibig?"

"Yeah, and it's something that I will treasure and cherish, and really do my best to protect..."

Kaya naman, pinipili raw ni Tom na gawing pribado ang relasyon niya ngayon, kaysa noon na talagang nakapubliko ito dahil nga pareho silang celebrity ni Carla.

"This time around, I wanna keep it for myself," aniya.

Sang-ayon naman si Boy na kahit public figure sila, ay kaya pa ring gawing pribado ang iba pang mga detalye sa buhay kagaya ng love life.

Samantala, sinabi ni Tom na dasal niyang masumpungan na ni Carla ang tunay na kaligayahan.

"Mapangahas na tanong. Anong dasal mo para kay Carla Abellana?” pangwakas na tanong ni Boy sa bisita.

“I really wish her well. Every one of us deserves happiness and I truly wish that for her," tugon ni Tom.

MAKI-BALITA: Tom, hangad na mahanap ni Carla ang kaligayahan: ‘Wish her well!’