Napa-wow ang mga netizen sa dating child star na si Sophia Reola o nakilala sa karakter na "Mikmik" sa teleseryeng "Nang Ngumiti ang Langit" noong 2019.

Paano ba naman kasi, makalipas ang ilang taon, heto't dalagita na si Mikmik at kay bilis talagang lumipas at tumakbo ng panahon!

Lutang na lutang ang angking ganda at charm ni Sophia sa naganap na Star Magical Prom, at hindi makapaniwala ang mga netizen na siya ang dating baby girl na si Mikmik.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, ibinahagi ni Sophia at aktor na si RK Bagatsing ang pagkikita nilang "mag-ama" kamakailan.

Si RK ang gumanap na tatay ni Mikmik sa serye.

"MIKMIK x MY TATAY🥹💗 @bagatsingrk," caption ni Sophia sa kaniyang Instagram post na naka-tag sa Instagram account ni RK.

Sa Instagram post naman ni RK, "Mikmik!!! Kamusta prom? 😁💙 @sophiareola_"

Marami naman ang natuwa sa kanilang reunion at sana raw ay magkaroon sila ng reunion project together.

"Reunion movie! I still remember nang ngumiti ang langit and how it made me cry a lot during my review days"

"Ambilis ng panahon, may dalaga ka na hehehe"

"dalaga na si Mikmik!!!"

"Ang laki at ang ganda na ni Mikmik!!!"

"Wow 😳 Finally, nagkita na ulit ang mag ama 😍 Dalaga na talaga si Mikmik, bilis tumangkad ❤️"

"MIKMIK & TATAY MICHAEL REUNITED💞looks may NEW PROJECT👏"

Si Sophia ay ilan lang sa mga dating child star na nanggugulat na ngayon matapos ang ilang taon dahil sa mabilis nilang paglaki.