“Bawal po ba talaga, ‘purr’ real? 😿😿”

Kinaaliwan sa social media ang mag-inang pusa na “cute na cute” na nakatingin sa pinto ng school clinic na may nakapaskil na “bawal pumasok ang pusa” kasama ang kanilang mga larawan.

Sa ulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ng uploader ng video na si Maricris David, isang university nurse sa Bataan, na isa siya sa mga nag-aalaga sa naturang mga pusa.

Kuwento ni Grice, hindi mapaghiwalay ang mag-inang pusa. Lagi rin daw naghihintay ang mga ito sa labas ng kanilang school clinic at sumusubok na pumasok tuwing mabubuksan saglit ang pinto.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

“[Kaya] naisipan namin ng kasama ko sa work na magpaskil ng [sign] kasama ‘yung picture nila,” ani Grice sa MB.

“Kasi napakakulit nga nilang dalawa. Pasok nang pasok at nagulat naman kami na nung pinaskil sa door ‘yun, nilapitan at tiningnan nila na parang nababasa at naiintindihan nila,” dagdag pa niya.

Samantala, agad namang kina-cute-an ng netizens ang naturang video, kung saan sa ngayon ay umabot na ito sa mahigit 93,900 likes, 772 comments, at 3,813 shares sa TikTok.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Sila talaga ang nasa picture hahahahha😭😅😅😅.”

“Yung itsura nila sa picture 😭.”

“It's clearly stated that it's them. 🤣”

“Justice for Ming ming‼️”

“CUTEEEEEEE!!!!! 😭😭.”

“The fact na ang baba nung sign 😭 para lang talaga sa kanila HAHAHHAHAHA.”

“🐱: Pusa ba tlga bawal pumasok o kame lang??? 🙂🙂.”