Tila ginaya raw ng bagong programa ni Senador Raffy Tulfo ang titulo ng programa ni award-winning GMA News journalist Jessica Soho.

Sa latest episode ng “Marites University” nitong Lunes, Marso 18, iniulat ng host na si Mr. Fu ang isa umanong title card ng show ni Tulfo na lumulutang sa social media platforms.

“May lumalabas sa Twitter ngayon. Hindi natin alam kung talagang sa TV5 ba ‘yong show. Pero may title card na nagsasabi na magkakaroon nga raw ng show si Senator Raffy Tulfo. At ‘yong title ‘Kapatid mo, Idol Raffy Tulfo,’” saad ni Mr. Fu. 

“So, parang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho.’ Pero ang sinasabi naman nito ‘yong mga nag-post n’ong kay Senator Raffy, hindi naman daw magiging ‘Jessica Soho’ ‘yong atake do’n sa show.  Dahil most probably ay magiging public service ‘yong show ni Senator Raffy,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dagdag pa ni Mr. Fu: “Pero ang isyu nila, ginaya ‘yong titulo. Saka baka raw ibangga pa sa isa’t isa.”

Ayon naman sa co-host niyang si Rose Garcia, hayaan na lang daw. Dahil may sari-sarili namang viewers ang programa nina Jessica at Tulfo. 

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang TV5 para kumpirmahin o pabulaanan ang balitang ito.