Inilabas na ang teaser at ilang mga larawan kaugnay sa comeback at upcoming fantasy series ni Kapuso Primetime Queen at kasalukuyang Box Office Queen na si Marian Rivera na "My Guardian Alien."

Sa Instagram page ng GMA Network ay nag-post na rin sila ng ilang mga larawan, kabilang na ang larawan nina Marian at komedyanteng si Kiray Celis na kabilang din sa serye.

Caption nito, "Ang pagkakaibigang walang pinipiling ganda o height. Char! 🤣✌🏼"

"Abangan ang tandem nina Marian Rivera at Kiray Celis sa #MyGuardianAlien. Ngayon APRIL 1 NA, sa GMA Prime."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-reply naman dito si Kiray na naka-tag sa IG account ni Marian.

"I love you so much, Queen @marianrivera!!! ❤️❤️" ani Kiray.

Ngunit ilang netizens ang tila sinita ang nakalagay sa caption ng Instagram post ng GMA.

"Caption doesn’t sound right."

"True, I agree. Unprofessional. Nakakahiya."

"GMA shld get a new writer, atleast para sa caption ng post."

"Grabe yung caption?? Grabe kayo kay Kiray like??????"

"Seryoso kayo sa caption, GMA? 🥴"

"caption? really ngayong women's month?"

Ngunit kung maraming sumita sa caption, marami rin naman ang nagtanggol dito at wala naman daw silang nakikitang masama lalo't maging si Kiray ay ganito rin ang humor sa sarili niya.

"Char nga daw. Tsaka Comedian naman si Kiray. At yan yung role nya dyan. Napaka problematic nyo naman."

"Ano nmn nkakahiya?read the caption she's just joking..kayo mga marites lhat nlng Ng I post Ng mga celebrity may Mali sa Inyo..get a life oi!"

"ano Pala dapat? obvious nmn na she's just joking..wla pa Yan sa caption ni senyora..normal nlng yan sa mga mgkaibigan lgyan pa Ng ibang meaning juice ko"

"dami nyong alam. Kay senyora nga wasak na wasak na si kiray wala naman kayong sinasabi"

"Huwag seryosohin, masyado kayong pa-woke eh. I'm sure hindi naman nasaktan si Kiray diyan!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kiray, si Marian, o maging ang GMA patungkol dito.