Maging ang Kapamilya star na si Janine Gutierrez ay hindi na rin naiwasang kiligin sa tambalang "SnoRene" nina Anthony Jennings at Maris Racal, mula sa kanilang mga karakter sa seryeng "Can't Buy Me Love" na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle.

Nagkomento si Janine sa Instagram post ni Maris kung saan ibinahagi niya ang mga kuhang larawan nila ni Anthony sa naganap na "Star Magical Prom."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

View this post on Instagram

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

"Kilig ako shucks," ani Janine.

Ngunit sa comment section ay dinumog ang aktres ng mga tanong kung kinikilig din ba siya sa tambalang "KimPau" nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na nabuo naman sa hit teleseryeng "Linlang," at ngayon nga ay "What's Wrong With Secretary Kim" Philippine adaptation na napapanood na sa VIU Philippines.

Matatandaang naisyung naging mag-jowa secretly sina Paulo at Janine na nagsama sa isang pelikula at serye, nang umober da bakod ang huli sa Kapamilya Network.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"@janinegutierrez sa Kimpau po? Kilig din kayo? 😢"

"Sa KimPau din yata hahahaha."

"Sa SnoRene kinikilig sa KimPau ano na?"

Ngunit ilang netizen din naman ang nanaway sa mga nagkomento at sinabihan silang insensitive.

"anteh, konting preno ano? may pagka insensitive ka rin eh.🤦🏻‍♀️"

"may naliligaw na aso dito paki talian ng bibig dun ka po ig ng kimpau mag kalat wag dto sa ig ni mariz."

"napansin ko lang kc marami ring kinikilig sa Kimpau," depensa naman sa isa sa mga netizen na nang-urirat kay Janine.

Samantala, wala namang tugon o reaksiyon dito si Janine.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez hiwalay na naman ulit?

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino