Masayang ibinalita ng social media personality na si Vince Flores o kilala rin bilang “Tito Vince” ang tungkol sa pagbubuntis ng partner niyang si Toni Fowler.

Sa latest Instagram post ni Tito Vince nitong Sabado, Marso 16, pinasalamatan niya ang Diyos para sa pagbibigay ng panibagong anghel sa buhay nila ni Toni.

“Maraming salamat G sa pagbigay ng panibagong anghel sa buhay namin 🙏” saad ni Tito Vince.

“Ilang tries, away, stress at pag suko na ang nangyari sa amin pero yun na nga, ate na si Tyronia ❤️. Sa wakas na buo ka din Baby Tyronne 👼” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “And now… I can proudly say that “I’m a father of 2”

Binati naman ng mga netizen sina Vince at Toni para sa bagong blessing na dumating sa buhay nila. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Eh ang saya saya koooo♥️♥️ congrats you guys!!”

“Yaaayyy congratsss, Dzaddeh Vince & Mami Oniii! Ninang ako ah!!! 🥳🥳🥳”

“Congrats, may bagong aalagaan si mama marie”

“Congratulations mommi oni and dadi Vince ❤️”

“Congrats mommy oni and dadeh vince ❤️❤️❤️”

"Congraaaaaats😍"

“Congratulations dadeh vince & mommy oni 😍👏”

Matatandaang noong 2022 ay inanunsiyo ni Toni na opisyal na umano silang magkarelasyon ni Tito Vince matapos nitong manligaw sa kaniya.

MAKI-BALITA: Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?