Agad na humingi ng paumanhin ang Kapuso actor-TV host na si Rayver Cruz matapos kuyugin ng netizens sa naging "kakulitan" niya habang nagla-livestream sila ng jowang si Asia's Limitless Star" at kapwa Kapuso artist na si Julie Anne San Jose.

Naging below the belt kasi ang mga tirada kay Rayver dahil unusual daw ang ipinakita niyang kakulitan, bagay na ininterpret ng mga netizen na parang "sabog" o "bangag" daw siya.

Maging si Julie Anne, hindi na rin nakapagtimpi at umalma na rin sa mga birada at panghuhusga ng mga netizen sa kaniyang boyfriend.

"May pa drug test ba kayo@gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e. Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana? Tamang laughtrip at kita na sabog e 🤮," saad ng isang netizen.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa comment section naman ay makikitang pumalag dito si Julie Anne.

"Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop 🙏🏻," ani Julie Anne.

MAKI-BALITA: ‘Sabog, bangag?’ Julie Anne umalma sa below the belt na batikos kay Rayver

Photo courtesy: Screenshot from X

Pero sansala naman ng isang X user, "sobrang alarming ng actions nya! sana magets nyo yung fans bat ganon sinasabi."

Narito ang iba pang reaksiyon at komento ng netizens sa X:

"kasi daw di maka sakay si julie sa pagiging hyper ni rayver, kung makikita mo yung mukha ni julie parang naninibago sya sa kilos ni rayver, para sa akin yung pagiging hyper ni rayver gusto lang nya maka hype din ng manunuod db. siguro wala sa mood si julie hehehe."

"Di na kasi normal ang kilos mo Rayver. Panuurin mo ang sarili mo mukha kang bangag."

"Gets naman si Rayver na Super Hyper na tao nya Ever Since kaya lang yung ibang Tao di sya maintindihan bat ganon sya kumilos"

"Hala siya. Hnd sa pambabash or ano pero napaka uncomfortable ng kilos at pananalita ni Rayver sa live na ito. Lahat ng makakakita at makakapanood nito isa lang talaga iisipin. At halatang halata yun pagkauncomfortable ni Julie Anne. 😅😅😅 Anyare sayo Rayver Cruz?

MAKI-BALITA: Rayver kinuyog dahil sa ‘kakulitan’ sa livestream kasama si Julie Anne

Agad namang humingi ng dispensa si Rayver para sa lahat ng mga taong hindi nagustuhan ang kaniyang mga ikinilos. Paliwanag niya, alam daw ni Julie Anne na playful at happy lang daw talaga siya. Giit pa ni rayver, maganda raw ang naging pagpapalaki sa kaniya ng ina nila.

"Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I'm with my love. She knows that, she knows me. I don't usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right. Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don🙏🏼 "

Esplika pa ni Rayver, matapos ang respeto niya sa GF maging sa pamilya niya. Pangalawa, mataas din ang respeto niya sa trabaho at mga katrabaho.

"I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun. At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight! 🫶🏻🤍," aniya."

https://twitter.com/RAYVERCRUZ20/status/1768997317544481159

Sa isa pang X post, flinex pa ni Rayver ang litrato nila ni Julie Anne at nilagyan ng sweet caption na "Si

@MyJaps lang ang mamahalin ko habang buhay hehe ♥️ let’s go team sun!! 😍☀️."

https://twitter.com/RAYVERCRUZ20/status/1769002749323071969

Makikitang tumugon naman dito si Julie Anne ng "Forever" at "ILY" na ibig sabihin ay "I Love You."

Photo courtesy: Julie Anne San Jose (X)