Hindi nagustuhan ng mga netizen ang behavior ng Kapuso actor at TV host na si Rayver Cruz habang nasa livestream sila ng jowang si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Habang isinusulat ang balitang ito ay trending na sa X si Rayver dahil sa ipinakita niyang kilos at asal habang nagsasalita si Julie Anne.

Photo courtesy: Screenshot from X

Kung ano-ano kasing ginagawa at nagpakita ng kakulitan si Rayver habang nagsasalita si Julie Anne sa kanilang livestream, bagay na nahalata na raw ng fans at supporters na maging ang huli ay tila "nairita" na sa inasal ng boyfriend.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi rin nagustuhan ng netizens ang isa sa mga naging paraan ng pagsabot ni Rayver sa isang fan na nagtanong kung paano sila naghahanda during live performances.

Sagot niya, "'Yong paghahanda namin nag ano kami parang sa rehearsal room, naghawak-hawak kami ng mga kamay, and then pumikit kami, and then dinaramdam lang namin ang isa't isa, and then 'Yeah let's do this brad.'"

Hindi rin nakaligtas sa mga netizen ang tila pagbatok daw ni Rayver ni Julie Anne, bagay na ikinakamot na lamang daw ng ulo ng singer-actress.

Dahil dito, inaakusahan si Rayver na parang lasing daw, o mas malala, mukha raw sabog o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

"May pa drug test ba kayo@gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e. Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana? Tamang laughtrip at kita na sabog e 🤮," saad ng isang netizen.

Sa comment section naman ay makikitang pumalag dito si Julie Anne.

"Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop 🙏🏻," ani Julie Anne.

Photo courtesy: Screenshot from X

Pero sansala naman ng isang X user, "sobrang alarming ng actions nya! sana magets nyo yung fans bat ganon sinasabi."

Samantala, sa kaniyang mahabang X post ay humingi na rin ng dispensa si Rayver sa mga netizen na hindi nagustuhan ang kaniyang mga ikinilos.

Iginiit niyang hindi niya kayang bastusin si Julie Anne dahil mahal niya ang girlfriend maging ang pamilya nito.

"Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I'm with my love. She knows that, she knows me. I don't usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right. Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don🙏🏼 I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun. At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight! 🫶🏻🤍," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Rayver Cruz (X)