Naloka ang mga netizen kina Piolo Pascual at Kyle Echarri matapos bumungad ang kanilang mga hubad-barong katawan, sa video na nakunan ng aktres na si Mylene Dizon.

Sa Instagram post ni Mylene, tila kinatok siya ng dalawa at tinatawag.

"Ano bang kailangan n'yo sa akin? Bakit n'yo ko ginaganito?" nasambit na lang ni Mylene sa dalawang hunk na nakabalandra sa pinto niya.

"Ako ang kailangan ninyo? Oh my God. Wait lang," ani Mylene sabay tawa.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Napahalakhak din ang dalawa sa sinabi niya.

Kinilig naman ang mga netizen sa pa-abs ng dalawa.

"Dumating na pala ang mga parcel ko😂"

"Wow talap talap hahahaha."

"Baka gusto nyo po ng kasama? 😂 😂"

"Mapapalunok ka na lang"

"Paki sabi po, sakin nalng sila kumatok. Welcome po sila, lalo na si Papa P 🤪"

Kamakailan lamang ay napasana-all ang mga netizen kay Maria Oggay o mas sikat sa tawag na "Apo Whang-Od," ang pinakamatandang mambabatok o tattoo artist sa Pilipinas, dahil sa pandadaklot nito sa private part ni Piolo matapos magpa-tattoo sa kaniya.

MAKI-BALITA: Fans, inggit! Apo Whang-Od, dinaklot si Piolo Pascual

Magkakasama ang tatlo sa upcoming at malaking serye ng ABS-CBN na "Pamilya Sagrado" na malapit nang mapanood.