Nagsalita na si “It’s Showtime” host Kim Chiu tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ng ex-jowa niyang si Xian Lim.

Sa latest vlog kasi ni Dra. Vicki Belo nitong Sabado, Marso 16, inusisa niya si Kim kung ano raw ba talagang nangyari sa kanila ni Xian.

"Wala naman, baka magalit siya. Ano lang talaga, it’s ano lang, common understanding naman namin na, mutual decision to end things, and to move on with our lives," saad ni Kim.

"Matagal mo rin bang inisip i-end, or medyo?" tanong ni Dra. Belo.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"It’s very personal, […] and it's… medyo mahirap siya and, you just have to accept siguro [‘yong] mga bagay na wala ka nang control, and you cannot push yourself sa isang bagay na, not naman in the same wavelength," sagot ng aktres.

Matatandaang kinumpirma nina Xian at Kim ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’