Umabot na sa ₱107 milyon ang pinagsamang jackpot sa 6/49 Super Lotto at 6/58 Ultra Lotto draws nitong Linggo, Marso 17 ng gabi.

Nasa ₱57.5 milyon ang nakalaang premyo sa Super Lotto, habang aabot na sa ₱49.5 milyong ang posibleng mapanalunan sa Ultra Lotto draw dakong 9:00 ng gabi.

Nitong Enero 17, isang mananaya ang nanalo ng ₱640,654,817.60 makaraang mahulaan ang number combination na 26-33-14-48-06-42.

Aabot naman sa ₱571 milyong jackpot ang tinamaan ng isang taga-Albay sa isinagawang 6/58 Ultra Lotto draw noong Disyembre 29, 2023.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Binobola ang Super Lotto kada Martes, Huwebes at Linggo habang ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.