Dismayado raw ang mga Pilipino sa singer na si Jake Zyrus, na noon ay kilala sa pangalang Charice Pempengco, matapos nilang dumalo sa show nito na ginanap sa Japan.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Biyernes, Marso 15, ikinuwento ni Romel Chika na pagkatapos daw mag-perform ni Jake ng isang kanta ay nag-benta na raw ang singer ng damit. 

“Noong ipinakilala, ‘di pa tapos pumapasok na si Charice na kumakanta. From backstage, kumakanta na kaagad siya,” lahad ni Romel.

“Noong matapos na ‘yong isang kanta, naglabas itong si Charice ng [merchandise]. Pagkatapos niyang kumanta, nagbenta ng tshirt na nagkakahalaga ng ¥4,500,” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa niya: “Kaunti lang ang bumili kasi wala pa nga siyang ginagawa. Isang kanta pa lang, huminto na. Nagbenta na. [...] Hanggang ito na, lumalakad na siya at nagte-thank you-thank you.”

Sey tuloy ni showbiz columnist Cristy Fermin: “Nagrereklamo syempre ang mga Pinoy.”

“Sinabi mo pa,” segunda ni Romel, “kasi budol is real. Isang kanta lang ang nakanta niya.”

Dahil dito, nahiya raw ang producer ng show para sa mga Pilipinong bumili ng tiket. Kaya hiniritan nito na kumanta pa si Jake pero tumanggi na raw ang huli. 

“Syempre, na-disappoint ang ating mga kababayan. Ang mga tiket nila, ipinagtatapon nila doon. Disappointed talaga sila,” saad pa ni Romel.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag si Jake para pabulaanan o kumpirmahin ang balitang ito. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.