Trending sa X si Kapuso star Bea Alonzo matapos kumalat ang video clip ng pagkikita nila ni Julia Barretto sa isang tribute party para sa kaarawan ng starmaker at dating chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny "Mr. M" Manahan, na consultant na ngayon ng Sparkle GMA Artist Center.

Makikita sa kumakalat na video na nag-beso at nagkatawanan pa ang dalawa habang katabi nila ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

https://twitter.com/bhaBhebzz/status/1769191230607638800

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawa dahil sa ex-boyfriend ni Bea na si Kapamilya actor Gerald Anderson. Inakusahan kasi si Julia na sinulot si Gerald mula kay Bea, na tila "na-ghosting" naman daw ng aktor.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dahil dito, sumikat ang linyahan ni Bea na "Time is the ultimate truth teller."

Kaya komento ng mga netizen, mukhang "the world is healing" na raw talaga matapos na mag-usap ang dalawa, makalipas ang ilang taong hindi pagkikibuan.

Bago ang nabanggit na intriga ay nagkasama muna ang dalawa sa seryeng "A Love to Last" noong nasa ABS-CBN pa si Bea.

Gumanap siya rito bilang love interest ni Ian Veneracion, at madrasta siya ni Julia rito.