Inamin ni award-winning actor Baron Geisler na takot daw siya sa kaniyang asawang si Jaime Evangelista.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Biyernes, Marso 15, sinabi ni Baron na Bisaya raw ang kaniyang asawa.

“Bisaya wife ko, e. So, alam mo ‘yon, matapang ang mga Bisayang babae. ‘Di ako sanay. Dati ako ‘yong nagko-control, nagma-manipulate ng relationship. My wife I can’t. I’m afraid of my wife,” lahad ni Baron.

Tanong tuloy ni Ogie: “Really? Bakit ka natatakot sa wife mo?”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“First, I have great respect sa kaniya. Mahal ko siya. And may anak kami. And my vows kaming sinumpaan. Kasal kami, e.” sagot ni Baron.

“So, ayaw kong magkasala sa Diyos din. Kaya ako lumapit kay Pastor Tony [Dela Paz] para ayusin kami,” aniya.

Dagdag pa ng aktor: “And finally nag-submit siya. Because a wife needs to submit to her husband. Whether palpak ‘yong asawa, kailangan respetuhin ang asawa.”

Matatandaang noong 2021 ay ikinatuwa ng netizens ang kaniyang total transformation. In fact, nakadalo na ulit siya sa ABS-CBN Ball 2023 matapos ma-ban nang ilang taon.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, makakadalo na ulit sa ‘ABS-CBN Ball’ matapos ma-ban

MAKI-BALITA: Total transformation ni Baron Geisler, ikinatuwa ng netizens