Inusisa ni Asia’s King of Talk Boy Abunda si Senador Chiz Escudero tungkol sa posibilidad na mula sa politika ay tatawid siya sa mundo ng fashion.

Sa latest episode ng “Fast Talk” nitong Biyernes, Marso 15,  tiyak at walang ligoy na sinagot  ni Escudero ang naturang tanong sa kaniya ni Boy.

“No, mahirap mag-awra Boy, ha,” mabilis niyang sagot.

“‘Yong maglalakad ka na may confidence ka tapos iisipin mo na nakatingin sa ‘yo lahat na wala naman? Ang hirap no’n, ha. Ta’s paninindigan mo. Mahirap ‘yon,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Dagdag pa ng senador: “Tama na sa akin ‘yong sa supporting.”

Gayunpaman, matatandaang hinangaaan ng mga netizen ang mga larawan niya na flinex ng kaniyang asawang si Heart Evangelista sa social media account nito kung saan makikitang sinabi nito na nasa fashion era na raw ang senador.

MAKI-BALITA: ‘Say Chiz!’ Heart, sinabing nasa fashion era na talaga ang mister

Samantala, tinanong din ni Boy si Heart tungkol sa posibilidad na pasukin ang politika. Pero sinabi ng aktres na wala raw siyang balak.