Natanong ang Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis kung totoo ba ang kumakalat na tsikang nagtampo siya sa GMA Network matapos mamaalam sa ere ang noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" kung saan siya naging mainstay host.

“May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po ‘yon totoo. Pero pagbigyan na po natin ‘yong mga nagkakalat no’n. Content po nila ‘yon, para po sa kanila ‘yon,” paglilinaw ni Paolo.

Wala raw siyang birthday wish sa kaniyang 40th birthday kundi pasasalamat sa naging home network niya simula nang umober da bakod siya mula sa ABS-CBN.

"It’s not true. I love GMA, and I’m very thankful to GMA. They’ve been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So walang dahilan para magtampo ako sa GMA,” aniya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Natanong tungkol dito si Paolo sa ginanap na paglulunsad ng GMA Entertainment Group na “Basta’t Sama-Sama… Best Time Ever” campaign nitong Biyernes, Marso 15.

Matatandaang nasabi kamakailan ni Ogie Diaz na nang tanungin daw niya ang aktor-TV host sa biglang pamamaalam ng noontime show, ayaw raw muna nitong magsalita at humiling ng katahimikan.

MAKI-BALITA: Paolo Contis, ayaw munang makipag-usap, gustong mapag-isa

MAKI-BALITA: Dahil sa pagbabu ng ‘Tahanang Pinakamasaya:’ Paolo, humagulhol sa dressing room?