Viral sa Facebook ang post ng isang tatay tungkol sa sulat-kamay na farewell card ng kaniyang pitong taong gulang na anak para sa student teacher na nag-on the job training o OJT sa kanilang klase, bilang bahagi ng kanilang practicum.

Dahil huling araw na sa kanilang klase ang student teacher, naisip ng anak ng uploader na si Chino Sidora na bigyan ito ng card, bagay na hilig daw nitong gawin.

Ngunit mabuti na lamang daw at na-check nila dahil ang nakalagay sa card ay "Happy Last Day of your Life. We will miss you."

"Yung 7 year old ko na anak magbibigay daw ng card sa practice teacher niya kasi last day na daw ng OJT nila. Buti nalang lagi siyang nagpapacheck saakin ng spelling," ani Chino sa kaniyang Facebook post.

Katatawanan

Wish na bumalik si ‘Kuya Rico’ sinupalpal: ‘Sumunod ka na lang!’

"Pambihira anak! Last day lang ni teacher sa school, hindi sa Earth. 🤣🤣🤣 Credit ko daw yung kuya Sidora Neraiah Onihc niya kasi siya una nakakita. 🤣🤣🤣," dagdag pa niya.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Chino, sinabi niyang na-edit naman kaagad ang card bago pa ito makarating sa student teacher.

"Awa ng Diyos, na-edit naman po," natatawang saad niya. "Mahilig po talaga siya gumawa ng card."

Photo courtesy: Chino Sidora

Photo courtesy: Chino Sidora

Photo courtesy: Chino Sidora

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 12k laugh reactions, 5.1k shares, at 381 comments ang nabanggit na viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!