Matapos maisyu ang pagkakaroon ng mga daga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, ilang mga netizen ang nagmungkahing magkaroon daw sana ng "pest control" upang hindi naman nakakahiya sa mga pasaherong lokal at maging sa mga dayuhang turistang nagnanais na bumisita sa Pilipinas.

Ngunit sa Iloilo Science and Technology University sa La Paz, Iloilo City, Iloilo, ang kanilang pest control officer ay hindi lamang basta magaling kundi isang charming at cute din!

Sa eksklusibong pagbabahagi ni Michelle Escrivá sa Balita, ang tinutukoy na pest control officer ay hindi tao kundi isang pet cat na nagngangalang “Pareng Pedro.”

Photo courtesy: Michelle Escrivá

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

Batay sa mga kuhang larawang ipinadala niya sa Balita, makikitang may ID pa si Pedro at nakasuot pa ng uniporme. Bukod sa pest control naisipan nilang gawing officer si Pedro upang ipromote na rin ang kanilang adbokasiya tungkol sa animal welfare at responsableng pag-aalaga ng pets, lalo na sa pagkakapon.

"We at ISAT University have a unique story to share: Pareng Pedro, our resident Pest Control Officer, is also a beloved fur ambassador promoting animal welfare and the benefits of responsible pet ownership through kapon (neutering) advocacy," aniya.

"Pareng Pedro's story would resonate with animal lovers and Filipinos concerned about pet welfare 😊," aniya pa.

Photo courtesy: Michelle Escrivá

Good job, Pareng Pedro!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!